Ayon sa pahayag ng DOH, ang isyu ay bunsod ng nakabinbing pagpapalabas ng 2019 national budget.
Tiniyak ng DOH na patuloy ang suporta sa lahatng health workers sa bansa at gumagawa na ng hakbang ang ahensya upang maresolba ang problema.
Ayon pa sa pahayag, sa sandaling maipalabas na ang GAA, aabot sa 26,000 ang iha-hire na kabibilangan ng Rural Health Doctors, Public Health Nurses, Rural Health Midwives, Dentista, Medical Technologists, Nutritionist-dietitians at iba pang health workers.
Sa nasabing bilang, 17,205 na kukunin ay nurses.
Sa naturang Facebook post ng DOH, marami ang nagkomento na karamihan ay nagtatanong kung kailan ba talaga sila made-deploy.
Anila ilang buwan nang nakabinbin ang deployment nila.
Ayon naman sa DOH, kailangang hintayin na mailabas ang 2019 national budget para matuloy ang deployment ng mga nurse sa mga pampublikong ospital at health care units.