LOOK: US Secretary Mike Pompeo, nakipagpulong kay Foreign Affairs Sec. Locsin

Inquirer.net Photo / Ryan Leagogo

Nagpulong sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at US Secretary of State Mike Pompeo.

Ang dalawang lider ay nagpulong para pag-usapan ang “issues of mutual interest” ayon sa DFA.

Ayon kay Locsin, produktibo ang naging pagpupulong hinggil sa matagal nang umiiral na alyansa ng dalawang bansa.

Tinalakay din ang suporta ng Amerika sa modernization program ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni Locsin na nagkasundo sila ni Pompeo na paigtingin pa ang pagtutulungan ng bansa sa humanitarian assistance at disaster relief at human trafficking.

Nagpasalamat din ang kalihim sa patuloy na suporta ng US sa gobyerno ng Pilipinas sa counter-terrorism efforts lalo na noong kasagsagan ng Marawi siege. Gayundin ang patuloy na pagtulong ng bansa sa rehabilitasyon ng lungsod.

Naging oportunidad din ang pulong para makapagpasalamat muli sa Amerika sa pagbabalik sa bansa ng Balangiga Bells.

Read more...