6 patay sa banggan ng van at cargo truck sa Negros Oriental

6 ang patay habang sugatan ang 9 na iba pa ang nasugatan sa aksidente na naganap sa bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental.

Ito ay matapos magkabanggaan ang isang pampasaherong van at isang cargo truck sa national highway sa nasabing bayan.

Kabilang sa sakay ng pampasaherong van ang 10 estudyante ng Basay National High School, isang guro at apat na iba pang pasahero.

Kagagaling lamang ng mga mag-aaral sa Cebu City, kung saan sumali sila sa isang dance competition na “MathSayaw2019”.

Karamihan sa mga mag-aaral ay nasa pagitan ng 14 hanggang 18 anyos.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi.

Read more...