Bahay ng hinihinalang drug lord na si Franz Sabalones sinalakay sa Cebu; mga armas nakumpiska

Sinalakay ng mga tauhan ng Cebu Provincial Office ang bahay ng hinihinalang drug lord na si Franz Sabalones sa Minglanilla Cebu Biyernes ng umaga (March 1).

Bitbit ang isang search warrant pinasok ng operatiba mula sa Provincial Intelligence Branch (PIB) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ang bahay ng drug lord sa Modena Subdivision kasunod ng ulat na muling nag-ooperate ang drug syndicate na may ugnayan kay Sabalones.

Hindi naman natagpuan sa bahay ang drug suspect at hindi alam ang kinaroroonan nito.

Nakuha sa bahay ni Sabalones sa Modena Subdivision, Sitio Estaca, Barangay Tunghaan ang samu’t saring mga armas gaya ng KG-9 semi-automatic pistol, M4 carbine at .45 caliber pistol

May nakuha ring homemade grenade ang mga otoridad.

Ayon sa Cebu City police, ang lahat ng mga armas ay natagpuan sa kwarto ni Winefreda Misa, 33-anyos na common-law wife ni Sabalones.

Si Sabalones na self confessed drug lord ay nauna nang sumuko sa Philippine National Police (PNP) at iprinisinta pa sa media ni dating PNP Chief Ronald dela Rosa noong 2016.

Inamin din nito na ilang mga pulis ang nasa payroll ng mga drug syndicates sa Cebu.

Read more...