Arraignment kay Rappler CEO Maria Ressa, ipinagpaliban ng Manila RTC

Contributed Photo

Hindi natuloy ang arraignment na isasagawa dapat kay Rappler CEO Maria Ressa sa Manila RTC Branch 46 ngayong umaga ng Biyernes (Mar. 1).

Ayon kay dating Supreme Court Spokesperson at Free Legal Assistance Group Lawyer Theodre Te, kailangan kasi munang resolbahin ng korte ang inihaing motion to quash ni Ressa.

Kaugnay nito, sinabi ni Te, binigyan ng korte ng 10-araw ang prosekusyon para magkomento sa mosyon, habang mayroon namang 5-araw ang depensa para mag-reply.

Pagkatapos naman nito, mayroong 5 araw ang prosekusyon para maghain ng rejoinder bago tuluyang madesisyunan ang kaso.

Sa inihaing motion to quash si Ressa hinihinling na ibasura ang cyberlibel case niya dahil sa kawalan umano ng basehan.

Katwiran ng kampo ni Ressa, April 2014 nang maisapinal ang Cybercrime Law kaya hindi pasok sa cyberlibel ang pag-update ng Rappler noong February 2014 sa kanilang artikulo laban sa negosyante na si Wilfredo Keng.

Read more...