Alone/Together nina LizQuen kumita na ng P300M

Umabot na sa P300 million ang kinita ng pelikulang “Alone/Together” na pinagbibidahan ng rea-life couple na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon sa producer ng pelikula na Black Sheep as of kahapon, Feb. 28, naabot ang P300 million na kita ng pelikula.

Ang nasabing halaga ay worldwide gross.

Nagpasalamat naman ang producer ng pelikula na Black Sheep sa lahat ng tumangkilik sa Alone/Together.

Ang pelikula ay isang love story ng dalawang college sweethearts na ginampanan ni Liza bilang si Christine, at si Enrique bilang si Raf.

Read more...