Si Nadine Lustre ang napili ng H&M bilang kauna-unahan nilang Filipino Ambassador.
Si Nadine ang tampok para sa special swimwear collection ng H&M na nakatakdang ilunsad sa March 14.
Ibinahagi ni Nadine sa kaniyang Instagram ang photoshoot sa kaniyang pag-endorso sa swimsuit collection ng kumpanya.
Excited si Nadine na ibahagi sa kaniyang followers at fans ang balita na aniya ay sinikreto pa ng matagal.
Abala rin ngayon si Nadine sa kaniyang bagong pelikula kasama naman si Carlo Aquino.
Ang pelikulang “Ulan” ang unang pelikula ni Nadine na hindi kasama ang kaniyang boyfriend na si James Reid.
MOST READ
LATEST STORIES