Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.1 na lindol

Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay naganap alas 9:00 ng umaga ng Biyernes, March 1.

Naitala ang epicenter ng lindol sa 42 kilometers southwest ng Sarangani at may lalim na 175 kilometers.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng nasabing lindol.

Hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala sa ari-arian at aftershocks.

Read more...