Nagdeploy na ng mga long-range missiles ang Russia sa mga base nito sa Syria matapos ang pagpapabagsak ng Turkey sa isa nilang jet fighter kamakailan.
Ang hakbang ng Russia ay bilang proteksyon umano sa anumang banta na maaring kaharapin ng kanilang military jets tulad ng mga surface-to-air-missiles na maaring gamitin ng Turkey.
Ayon sa RIA Novosti, isang state-owned news agency ng Russia, naideliver na ang mga S-400 missiles sa base ng Russia sa coastal province ng Latakia na nasa 50 kilometro ang layo sa border ng Turkey.
Ang mga S-400 missiles ay may kakayahang sumira sa target sa loob ng 400-kilometer radius.
Matatandaang tumaas ang tensyon sa pagitan ng Russia at Turkey makaraang pabagsakin ng huli ang isang warplane ng Russia.