2 sundalo patay, 2 pa sugatan sa pananambang sa Maguindanao

Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang dalawang iba pa makaraan silang tambangan sa Maguindanao.

Nasawi sina PFC Junard Estribor at PVT Nelier Jhan Pinto na pawang mula sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Sugatan naman ang isa pang kasamahan nilang sundalo.

Isang sibilyan rin ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa ulat ng Maguindanao Police, sakay ng Toyota Vios ang mga sundalo sa bahagi ng Barangay Sambulawan, Datu Saibo nang sila ay paputukan ng hindi pa nakilalang mga armadong lalaki.

Mabilis na nakatakas ang mga suspek sakay rin ng kotse.

Read more...