Mahigit P451M na halaga ng fuel subsidy naipamahagi na ng pamahalaan

Umabot na sa mahigit 90,000 ang naipamahaging Pantawid Pasada fuel subsidy cards ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ayon sa DOTr, ang nasabing bilang ng naimapahaging fuel subsidy cards ay mula noong July 2018.

Ipinagkaloob ang mga ito sa mga lehitimong franchise owner ng mga Public Utility Jeepney kung saan nabigyan sila ng tig P5,000 na subsidy.

May katumbas itong kabuuang halagang P451,840,000.

Ang Pantawid Pasada Program ay pinondohan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read more...