Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ang bawas-singil ay bunsod ng mas mababang foreign currency differential adjustment (FCDA) sa second quarter ng 2019.
Ang FDCA ay konektado sa mga utang ng water concessionaires na nasa US dollar at Japanese yen.
Ayon kay Ty, malakas ang ekonomiya ng bansa na nagreresulta sa paglakas ng piso laban sa dolyar at yen.
Nasa 0.07 kada cubic meter ang bawas sa FCDA ng Maynilad habang P0.31 naman sa Manila Water mula Abril hanggang Hunyo.
Kung sakali namang magpatuloy ang paglakas ng piso hanggang ngayong buwan, may posibilidad na magkakaroon din ng bawas sa FCDA sa third quarter o mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre.