Ayon kay Trump, bukas si Kim na tuluyan nang ipasara ang major nuclear facility sa Yongbyon.
Pero tutol ang Amerika sa hirit ni Kim na tanggalin ang lahat ng sanctions sa Pyongyang.
Handa anya ang NoKor sa denuclearization sa kundisyon na alisin ang mga parusa laban sa bansa, bagay na tinutulan ng US.
Nangako naman si Kim na wala muna silang testing of rockets and nuclear.
Sa kabila nito ay naging prodaktibo umano ang ikalawang summit nina Trump at Kim.
Matapos ang summit kay Kim, tatawagan ni Trump si South Korean President Moon Jae-in para talakayin ang nangyari sa dalawang araw na summit