Kooperasyon at seguridad, iginiit sa Duterte-Pompeo meeting

MPC photo

Binigyan-diin ang kooperasyon ng Pilipinas at Amerika at seguridad sa rehiyon sa pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at U.S. Secretary of State Michael R. Pompeo Huwebes ng gabi.

Dumating si Pompeo sa Villamor Air Base sa Pasay City alas 8:36 ng gabi.

Ito ay tinanggap nina U.S. Ambassador to the Philippines Sung Kim at Senior Bureau Official for the U.S. Department of State Bureau of East Asian and Pacific Affairs W. Patrick Murphy.

MPC photo

Nakipagkita si Pompeo sa Pangulo sa Kalayaan Lounge dakong 9:05 p.m.

Samantala, nakatakda ang meeting nina Peompeo at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. para muling pagtibayin ang pagiging magka-alyado ng Pilipinas at Estados Unidos gayundin ang hakbang ng 2 bansa para matiyak ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific region.

Magkakaroon din ng pulong ang US official sa mga negosyante sa Pilipinas kaugnay ng mga oportunidad sa pagpapalakas ng economic partnership ng dalawang bansa.

Dumating si Pompeo sa bansa mula Hanoi, Vietnam, kung saan dumalo ito sa summit nina President Donald J. Trump’s at North Korean leader Kim Jong-un gayundin ang bilateral meetings sa mga Vietnamese leaders.

Read more...