Ayon sa 11PM Severe Weather Bulletin ng PAGASA, taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.
Inaasahang hihina pa ito at magiging isang low pressure area (LPA) na lamang sa susunod na 12 hanggang 24 na oras.
Dahil dito ay hindi inaasahang magkakaroon ng direktang banta ng panganib ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,385 kilometro Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Kumikilos ito sa bilis na 15 kilometro bawat oras sa direksyong Hilagang-Kanluran.
Walang nakataas na tropical cyclone warning signal saan mang bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES