Ayon sa Pagasa, pumasok ang bagyo sa PAR sa pagitan ng alas 7:00 at alas 8:00 Huwebes ng gabi.
Sa severe weather bulletin na inilabas alas 5:00 ng hapon, sinabi ng Pagasa na walang direktang banta sa anumang bahagi ng bansa ang Bagyong Betty.
Huli namataan ang sentro ng bagyo sa Silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Taglay ang lakas ng hangin na 65 kilometers per hour at bugsong 80 kilometers per hour.
Tinatahak ng Bagyong Betty ang direksyong West Northwest sa bilis na 25 kilometers per hour.
Ayon pa sa Pagasa, isa na lamang tropical depression ang Betty at posibleng tuluyang maging low pressure area (LPA) muli.
MOST READ
LATEST STORIES