Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad, bibisita sa Pilipinas sa susunod na linggo

Bibisita si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa bansa si Mahathir mula March 6 hanggang 7 kasunod ng imbitasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Huling nagpulong ang dalawang lider sa Malaysia noong July 2018 kung saan napagtibay ang defense at security cooperation ng dalawang bansa.

Ito ang magsisilbing kauna-unahang official visit ni Mahathir sa Pilipinas makaraang makabalik bilang prime minister ng Malaysia.

Ayon sa DFA, nauna nang bumisita ang 93-anyos na prime minister sa Pilipinas taong 1987 at 1994.

Read more...