Año, tiniyak na dadaan sa validation process ang narcolist bago isapubliko

Bago isapubliko, tiniyak ni Interior Secretary Eduardo Año na idadaan pa sa validation process ang listahan ng mga pulitikong sangkot umano sa ilegal na transaksyon ng droga.

Sa Bantay Korapsyon National Summit sa Pasay City, sinabi ni Año na makikipagpulong ang Department of Interior ang Local Government (DILG) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) bago ilabas ang narcolist para sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Pag-uusapan aniya ng mga ahensya ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilabas ang narcolist.

Sisigurihin aniyang na-validate ang narcolist para patas sa lahat ng sangkot dito.

Matatandaang itinutulak ni Año ang pagsasapubliko ng listahan para aniya magsilbing gabay sa mga botante sa eleksyon.

Read more...