Sara Duterte, kakausapin si Imee Marcos ukol sa isyu sa school records

Tatanungin ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) chairperson at Davao City Mayor Sara Duterte si Ilocos Norte Governor Imee Marcos hinggil sa kaniyang school records.

Ayon sa alkalde, tatanungin niya ang gobernadora gayung hindi naman aniya siya nagbabasa ng mga post sa social media.

Maugong kasi ang pangalan nito sa social media dahil sa isyu sa kaniyang educational background.

Sinabi ng Presidential daughter na si Sara na ipapa-monitor niya ito sa HNP staff at tatanungin niya ang gobernadora kung ano ang sagot nito at kung nais linawin ang isyu.

Si Imee Marcos ay tumatakbong senador sa ilalim ng HNP.

Read more...