TNT Boys, pasok sa next round ng “The World’s Best”

Photo grab from the official YouTube account of “The World’s Best”

Pasok ang TNT Boys sa next round ng American talent show na “The World’s Best.”

Sa Youtube channel ng US talent show, makikita ang powerful performance nina Kiefer Sanchez, Mackie Empuerto at Francis Concepcion sa kantang “Ang I Am Telling You I’m Not Going” mula sa musical film na “Dreamgirls.”

Muling napahanga ng tatlo ang mga hurado at manonood dahil sa magandang rendition ng naturang kanta.

Ayon kay judge RuPaul, pitch perfect ang kada nota ng tatlo.

Base sa lahat ng kanilang performance, nakakuha ang tatlo ng kabuuan score na 97 points mula sa mga hurado at international panel ng “Wall of the World.”

Matatandaang unang napansin ang kanilang bersyon ng “Listen” ni Beyonce.

Read more...