Groundbreaking ceremony ng NLEX Harbor Link Segment 10 project, pinangunahan ni Duterte

Kuha ni Chona Yu

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng 5.6 kilometers na NLEX Harbor Link Segment 10 project sa C3 Road, Caloocan City.

Operational na ito simula Huwebes ng gabi kung saan P45 ang toll fee.

Samantala, ang NLEX-SLEX Connector Road Project naman ay walong kilometrong elevated 4-lane expressway mula C3 Caloocan Interchange at dadaan ng Blumentritt hanggang España patungo sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa, Maynila.

Ang biyahe mula NLEX hanggang South, mula sa dalawang oras na biyahe ay magiging 20 minuto na lamang.

Ang travel time naman sa Clark, Pampanga mula Calamba, Laguna na dati ay tatlong oras ay magiging isang oras at 40 minuto na lang.

Inaasahang aabot sa 35,000 na motorista ang makikinabang sa mga nasabing proyekto kada araw.

Aabot sa P23.3 bilyon ang inilaang pondo sa proyekto at inaasahang matatapos sa ikaapat na quarter ng 2020.

Read more...