Joshua Pacio, muling makakaharap si Yosuke Saruta para sa ONE strawweight world title

Nakatakdang humarap si Joshua Pacio mula sa Team Lakay ng Baguio City para muling masungkit ang ONE strawweight world title.

Makakalaban ni Pacio ang Japanese fighter na si Yosuke Saruta para sa ONE: Roots of Honor sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa darating na April 12.

Unang nakalaban ng 23-anyos na Pinoy fighter si SAruta noong Enero kung saan natalo siya via razor-thin split decision.

Magkakaroon ng limang five-minute rounds ang rematch nina Pacio at Saruta.

Samantala, main event naman sa April 12 ang pagdepensa ni ONE featherweight world champion Martin Nguyen laban kay Narantangulag Jadambaa.

Read more...