Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, sa pamamagitan ng Joint Resolution No. 04, maari pa ring makakuha ng kompensasyon ang mga biktima ng human rights violations.
Hanggang May 2018 lamang ang itinatakda ng batas para sa pagproseso ng Human Rights Victims Claims Board.
Ayon kay Medialdea, kaya nagpalabas ng joint resolution ang pangulo dahil hindi natapos ng board ang pagproseso sa mahigit 75,000 applicants pa at hindi na rin magagamit ang pondo para sa claimants.
Maari aniyang makapag-proseso pa ang mga biktima ng human rights violations hanggang sa December 31, 2019.
Binibigyan ng awtoridad ang Bureau of Treasury and Land Bank para mag-release ng pondo, habang ang Commission on Human Rights (CHR) naman ang mamamahagi nito.