Nilinaw ni Partido ng Demokratikong Pilipino – Laban (PDP-Laban) na hindi pa pinal ang tambalang Duterte-Cayetano para sa 2016 Presidential election.
Sa panayam sa Senado, sinabi ni PDP-Laban President Koko Pimentel na hindi pa isinasara ng kanilang partido na puwedeng ibang pangalan ang maka-tandem ni Duterte sa 2016.
Ipinaliwanag ng mambabatas na mabigat ang magiging desisyon ni Duterte dahil igagalang nila ito kung sinuman ang kanyang babasbasan bilang kapartner sa eleksyon.
Sa isyu ng posibilidad na si Sen. Bong Marcos ang maka-tandem ni Duterte, sinabi ni Pimentel na dadaan ito sa debate ng mga party members dahil nabuo ang kanilang partido noong kainitan ng Batas-Militar sa bansa.
Nilinaw din ni Pimentel na minor clerical error lamang ang pagkakamali sa naunang Certificate of Candidacy na isinumite ni Martin Diño sa Comelec at ito raw ay naayos na nila.
Umaasa rin ang mambabatas na tuloy at walang magiging hadlang sa desisyon ni Duterte na sumabak sa Presidential derby sa susunod na taon.