Panukala kontra hidden fees sa mga ATM transactions inihain sa Kamara

ATM
Inquirer file photo

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na layong protektahan ang mga user ng Automated Teller Machine o ATM mula sa “invisible o hidden bank fees” na nababawas sa tuwing may transakyon.

Sa ilalim ng ATM Fee Regulatory Act ni Quezon City Rep. Alfred Vargas, kailangang mailabas muna ang “fee” o kaltas para may opsyon ang mg ATM user na kanselahin o ituloy ang kanilang transaksyon.

Giit ni Vargas, mahalaga na batid ng ATM users ang “additional fees” na mayroon sa mga automated transactions.

Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, sinabi ni Vargas na ang lahat ng financial institutions ay oobligahin na i-display sa ATM screen ang total transaction fee na ipapataw sa bawat transaksyon.

Dagdag ni Vargas, sa ilalim ng kanyang panukala, walang anumang babayarang ATM fee ang customer, maliban na lamang ang naka-display sa screen at naka-imprenta sa resibo.

Sa kasalukuyan, ang actual fee ay ibinabawas sa account ng ATM user pero hindi nakikita sa screen.

Subalit may mga sitwasyon na nagugulat ang mga ATM user dahil kapag nakita ang resibo, may kalatas na mula sa kanilang savings nang wala man lamang notice.

Read more...