Dalawang lindol, tumama sa Davao Occidental at Masbate

Phivolcs photo

Niyanig ng lindol ang Davao Occidental at Masbate, Huwebes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang magnitude 4 na lindol sa layong 90 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental dakong 1:16 ng hapon.

May lalim itong 52 kilometers at tectonic ang origin.

Makaraan ang halos 15 minuto, niyanig naman ng magnitude 3.6 na lindol ang Masbate.

Namataan ang episentro nito sa layong 6 kilometers Northeast ng Pio V. Corpus bandang 1:36 ng hapon.

May lalim itong 4 kilometers at tectonic din ang origin.

Gayunman, parehong walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa dalawang probinsya.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang dalawang lindol.

Read more...