Hinihinalang NPA member, sumuko sa Masbate

Sumuko ang isang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Masbate.

Sa ulat ng CIDG Regional Field Unit 5, boluntaryong sumuko si Joseph Marteres, 30-anyos na magsasaka, sa Sitio Hugoson, Barangay Tinigban sa Aroroy, Miyerkules ng hapon.

Isinuko rin ng umano’y NPA member ang homemade na shotgun na may magazine, isang kalibre .45 na pistol, magazine assembly at 13 rounds ng bala.

Ayon sa mga otoridad, dinala na si Marterez at ang mga armas sa Masbate CIDG Provincial Field Unit.

Read more...