Matteo Guidicelli at Bela Padilla, magkakasama sa isang pelikula

Sa kauna-unahang pagkakataon, magkakatambal sa isang pelikula sina Matteo Guidicelli at Bela Padilla.

Kinumpirma ito ni Padilla sa kanyang Instagram post na naka-tag din sina Guidicelli, Danita Paner at JC Santos.

Mag-iisang buwan pa lang nang pumirma ng kontrata si Guidicelli sa Viva Artists Agency at ngayon ay nagsimula na ang kanyang unang proyekto.

Ang direktor ng nasabing pelikula ay si Irene Villamor na nakilala rin sa mga pelikulang “Sid & Aya: Not a Love Story” at “Ulan”.

Hindi na masyadong nagbigay ng detalye si Villamor tungkol sa magiging takbo ng istorya ngunit inilarawan niya ito na “another one for weary hearts.”

Hindi pa inaanunsiyo ng Viva kung kailan ipapalabas ang pelikula.

Read more...