Umabot na sa 5,176 ang bilang ng mga napapatay na drug personalities mula nang mag-umpisa ang drug campaign ng Duterte administration.
Sa press briefing ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ang nasabing bilang ay mula July 1, 2016 hanggang Jan. 31, 2019.
Umabot naman na sa 170,689 ang bilang ng mga naaarestong drug suspect sa ikinasang 119,841 na anti-illegal drugs operations.
Sa nasabing bilang mayroong naarestong 263 na elected officials, 295 na empleyado ng gobyerno, at 69 na uniformed personnel.
Samantala, ang mga nakumpiskang illegal na droga naman ay umabot na sa P19.14 billion ang halaga.
Mayroon namang 301 na mga drug den at clandestine laboratories na na-dismantle na ng PDEA at PNP.
Habang sa ngayon nasa 11, 080 na barangay na ang maituturing na drug-free.