Konsehal sa isang bayan sa CamSur arestado sa anti-drugs operation

Inaresto sa ikinasang anti-drugs operation ang isang konsehal sa bayan ng Lagonoy sa Camarines Sur.

Sa ulat ng Camarines Sur police, bitbit ang search warrant ay dinakip nila ang suspek na si Randy Texon, 49 anyos sa Barangay San Isidro.

Ito ay matapos na makuhanan siya ng ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuha kay Texon ang 19 na plastic sachet ng shabu.

Si Texon ay number 1 sa drugs watch list ng munisipyo.

Read more...