Trabaho nananatiling pinakamalaking isyu sa bansa – Angara

Nananatiling ang trabaho ang pinakamalaking isyu at problema na dapat tugunan sa bansa.

Sa programang Raw Talk sa Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV sinabi ni Senator Angara na kulang pa rin ng trabaho sa Pilipinas.

Bagaman magandang hakbang na natututukan na ngayon ng husto ang edukasyon ng mga kabataan, sa huli, ang mga magsisipagtapos ay mangangailangan ng mapapasukang trabaho.

Sa ngayon sinabi ni Angara na malaking tulong para makadagdag trabaho sa bansa ang BUILD BUILD BUILD program ng administrasyong Duterte.

Gayunman, hindi naman lahat ng nangangailangan o naghahanap ng trabaho ay sa construction ang kaalaman.

Malaking bagay aniya kung mapagtutunan ng pansin ang sektor ng agrikultura at turismo.

Read more...