Korean actor Park Bo-gum dadating sa bansa

Darating sa Pilipinas ang Korean actor na si Park Bo-gum sa April 27, 2019.

Ang pagbisita sa bansa ng aktor ay inanunsyo ng Blossom Entertainment sa kanilang Facebook Page.

Maliban sa Pilipinas bahagi din ng tour ni Park ang Seoul, Japan, Bangkok, Singapore, Hong Kong, Jakarta, Kuala Lumpur at Taiwan.

Hindi pa naman inanunsyo kung saan ang venue ng show ni Park at kung magkano ang halaga ng ticket.

Si Park ay nakilala sa kaniyang Korean drama na “Encounter” kasama ang aktres na si Song-Hye-kyo.

Read more...