Huling namataan ang bagyo sa layong 1,540 kilometers east ng Northern Luzon.
Sa ngayon ayon sa PAGASA, isa na lamang tropical storm ang bagyo, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometers bawat oras.
Bumilis naman ang kilos ng bagyo sa 20 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.
Sa pagitan ng gabi mamaya hanggang bukas ng umaga ay inaasahang papasok ng bansa ang bagyo at tatawagin itong Betty.
Bukas ng umaga, hihina pa ito at magiging tropical depression na lamang at sa Sabado ng umaga ay magiging isang Low Pressure Area na lamang.
Sa ngayon ay wala itong direktang epekto saanmang panig ng bansa.