18 sugatan sa tumagilid na jeep sa Antipolo

Sugatan ang 18 katao matapos na tumagilid ang isang pampasaherong jeep sa Marcos Highway sakop ng Antipolo City.

Naganap ang insidente pasado alas 9:00 ng umaga matapos na umiwas umano sa isang kasalubong na motorsiklo ang jeep.

Ang pampasaherong jeep ay may plakang TYU 461 na nasira ang bumper dahil sa aksidente.

Ayon sa Antipolo City Government pawang minor injuries lamang naman ang tinamo ng mga pasahero ng jeep na agad nalapatan ng lunas at naitakbo sa pinakamalapit na pagamutan.

Ang nasabing aksidente ay nagdulot ng matinding traffic sa Marcos Highway.

Read more...