Sunog sumiklab sa isang bahay sa R. Papa, Maynila

Contributed photo
Tinupok ng apoy ang isang residential area sa F. Roxas kanto ng Manuel Ocampo Streets sa R. Papa, Maynila.

Nagsimula ang sunog pasado alas 4:12 ng madaling araw.

Umabot lang sa unang alarma ang sunog at naideklarang fire out bago mag alas 5:00 ng umaga.

Ayon sa Manila Fire Bureau nagsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ng isang Jesus Florendo.

Sa ngayon inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...