6 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa QC

Arestado ang anim na katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City.

Sa Payatas B, apat na magbabarkada ang nadakip matapos mag-positibo ang buy-bust operation ng mga otoridad.

Naabutan pa ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na nagtatarya ng shabu.

Nakuha sa kanila ang mga empty sachet na paglalagyan dapat ng shabu, mga drug paraphernalia at shabu residue.

Na-recover din sa kanila ang P200 na ginamit na buy-bust money.

Bagaman aminadong gumagamit sila ng illegal na droga, itinanggi naman ng apat na sila ay nagtutulak.

Sa Barangay San Roque sa Cubao naman arestado ang mag-live in partner matapos ding makapagbenta ng shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nakabili ng P500 halaga ng shabu ang poseur buyer sa lalaking target ng operasyon.

Nabatid na dati na ring nakulong ang dalawa dahil din sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at kalalaya lamang noong nakaraang taon.

Read more...