Bagyo sa labas ng PAR, humina pa; isa na lang severe tropical storm

Humina pa ang bagyong nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na may international name na ‘Wutip’ at ngayon ay isa na lamang severe tropical storm.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 1,750 killometro Silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 135 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito sa direksyong Kanluran-Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Habang papalapit sa PAR, inaasahan pang hihina ang naturang bagyo.

Sa ngayon, hanging Amihan pa rin ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa.

Mararanasan ang mahihinang pag-ulan sa Aurora, Quezon, Eastern Visayas at Caraga dahil sa epekto ng Amihan.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maalinsangan ang panahon.

Read more...