Ayon kay South Pacific Inc. President Jun Golingay, asahan ang P2.50 hanggang P2.90 kada kilo na dagdag presyo.
Ito ay katumbas ng P27.50 hanggang P31.90 sa kada regular na tangke.
Ayon sa naturang LPG importer, ito ay dahil mas mataas ang demand sa LPG sa buong mundo.
Nakakaapekto rin ang tumataas na presyo ng krudo sa demand sa LPG sa buong mundo.
Inaasahan naman na bababa rin ang presyo ng LPG sa susunod na mga buwan partikular sa Abril at Mayo.
Dahil dito, mula sa pagitan ng P576 at P755 sa kada 11 kilogram ng tangke ay aabot na sa P603 hanggang P782 ang halaga ng LPG epektibo sa Biyernes.
MOST READ
LATEST STORIES