M3.0 na lindol naitala sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar kaninang alas-2:43 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 55 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Dolores.

May lalim itong pitong kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...