UE nasungkit ang unang panalo sa UAAP 81 women’s volleyball

Matapos ang dalawang magkasunod na talo ay nasungkit na ng University of the East ang kanilang unang panalo sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Wagi ang UE kontra Adamson sa iskor na 20-25, 28-26, 25-23, 25-22 sa kanilang laban sa FilOil Flying V Center araw ng Miyerkules.

Gumanda ang record ng Lady Warriors sa 1-2 habang dumausdos pa lalo ang Lady Falcons sa 0-3.

Nakuha pa ng Adamson ang opening set ngunit siniguro ng manlalarong si Judith Abil na makababawi ang kanyang koponan.

Pinangunahan ni Abil ang UE sa kanyang impressive na 22 points.

Noong nakaraang season nagtala ng win-loss record na 0-7 ang UE.

Read more...