Warehouse sa Maynila nasunog, isa sugatan

Contributed photo

(UPDATE) Nasunog ang isang warehouse sa Sta. Ana, Maynila madaling araw ng Huwebes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-2:42 ng madaling araw at agad na itinaas sa ikalawang alarma alas-3:01.

Ang warehouse ay sa Vernum Corp. Advertising Services na pagmamay-ari ng isang Jimmy Uy.

Nasugatan dahil sa kagagapang si Cesar Castro na nagtatrabaho bilang isang ‘caster’.

Muntikan na itong matrap sa loob ng warehouse ngunit maswerteng nasagip naman ng mga bumbero.

Contributed photo

Idineklarang fire-out ang sunog alas-4:58 ngayong umaga.

 

 

 

Read more...