Ito ang pahayag ng kumpanya matapos sabihin ng ilang mga netizens na biglang lumalabas ang momo challenge sa mga pambatang videos.
Ayon sa YouTube, sa ilalim ng kanilang mga polisiya ay ipinagbabawal ang mga video na nanghihikayat na gumawa ng mga peligrosong aktibidad.
Iginiit pa ng kumpanya na kanilang tinatanggal ang mga videos na labag sa kanilang panuntunan.
Kaugnay nito, hinikayat ng YouTube ang netizens na ireport sa kanila ang mga videos na may inappropriate content.
MOST READ
LATEST STORIES