Malawakang tigil-pasada, ikakasa ng transport groups

Muling magsasagawa ng malawakang transport strike ang Piston at iba pang transport groups para iprotesta ang sunud-sunod na oil price hike.

Sinabi ni Piston secretary general Steve Ranjo na mas malalaking kilos protesta ang kanilang ikakasa laban sa gobyerno at mga kumpanya ng langis kapag walang ginawang hakbang ang mga ito para mapababa ang presyo ng langis.

Nito lamang Martes ay tumaas ng higit P1 ang kada litro ng gasolina at diesel.

Ayon kay Ranjo, hindi na makasabay ang jeepney drivers at operators sa presyo ng diesel na ngayon ay nasa P44 hanggang P45 na kada litro.

Giit ni Ranjo, imbes na itaas ang pasahe sa jeep na pahirap naman sa commuters, dapat ay suspendihin na lamang ng gobyerno ang pagpapataw ng excise tax sa petrolyo na makakabawas ng P2.50 kada litro.

Samantala, hindi binanggit ni Ranjo ang target na petsa sa malawakang transport strike.

Uunahin umano nilang magsagawa ng kilos-protesta sa harap ng tatlong pinakamalalaking kompanya ng langis sa bansa.

Read more...