DOJ sa prosecutors: Maging neutral, impartial at non-partisan sa eleksyon

Naglabas si Justice Secretary Menardo Guevarra ng isang department circular na nagpaalala sa mga miyembro ng National Prosecution Service kaugnay sa paparating na May 13, 2019 midterm elections.

Sa memorandum, pinaalalahanan ni Guevarra ang mga NPS members na manatiling “neutral, impartial and non-partisan” sa kanilang trabaho.

Ayon kay Guevarra, nakaasad sa 1987 Constitution na ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay mahigpit na pinagbabawalan “directly or indirectly” sa anumang “electioneering or partisan political campaign.”

May kahalintulad ding pagbabawal, alinsunod sa Omnibus Election Code.

Kaya babala ng kalihim, ang sinumang lalabag sa batas ay may katapat na parusa.

Read more...