Nilinaw ni dating Presidential Peace Adviser Jess Dureza na wala nang sakit at nakabalik na sa kanyang tanggapan sa Makati City si dating Pangulong Fidel Ramos.
Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Dureza na personal niyang pinuntahan at nakita na malakas at balik sa kanyang pagiging palabiro ang dating lider ng bansa.
Noong nakaraang Edsa People Power anniversary ay hindi nakadalo si Ramos.
Sa isang media interview ay sinabi ni Pastor Boy Saycon ng Edsa People Power Commission na dapat ipanalangin ng publiko ang dating pangulo dahil ito ay may sakit.
Ipinaliwanag ni Dureza na siya mismo ang nakasaksi sa pagiging aktibong mula ni Ramos lalo na sa pakikisalamuha sa kanyang mga staff.
“To personally check on “rumors” that he was not well and why he was a no-show at the EDSA anniversary yesterday for his traditional “jump”. He was his usual bantering and jovial self and told me the reason why he skipped yesterday was not because of fear of getting pneumonia. (In fact I myself had it last month.) He was more careful and worried as there were many beauties around who would swarm over him… I concurred,” pahayag ng dating kalihim.
Si 90-anyos na si Ramos ay isa sa mga key player sa Edsa People Power noong 1986 kasama si dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi rin dumalo sa nasabing pagtitipon noong Lunes. Pebrero 25.