20 bahay nasunog sa Lucena City; 40 katao sugatan

Tinupok ng apoy ang tinatayang nasa 20 mga bahay sa sunog na naganap sa Lucena City sa Quezon.

Ayon kay Supt, Redante Ariza, Lucena police chief, naganap ang sunog, Miyerkules (Feb. 27) ng madaling araw sa Barangay Market View.

Tumagal ng 3 oras ang sunog at aabot sa 40 katao ang nagtamo ng minor injuries.

Wala namang nasawi sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa naganap na sunog partikular kung ano ang pinagmulan nito.

Pero ayon sa pahayag ng mga residente, nagsimula ang apoy sa kalan na ginagamit ng mga nagnenegosyo ng tinapa sa lugar.

Read more...