Mag-tiyahin arestado sa buy-bust operation sa Iloilo

Naaresto ng mga otoridad ang isang buntis at ang kaniyang pamangkin sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Bitoon sa Jaro, Iloilo City Miyerkules ng madaling-araw (Feb 27).

Ayon sa Iloilo City Police, naaresto ang mag-tiyahin matapos makabili ang poseur buyer ng isang sachet ng umano’y shabu mula sa 18 anyos na lalaki kung saan kasama sa bentahan ang 6 na buwan na buntis.

Ayon pa sa mga otoridad, may kontak umano ang binata sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.
Nakakulong din ang mga magulang ng binata dahil din sa pagtutulak.

Ayon naman sa mga naarestong suspek, pauwi na umano sila galing sa isang perya matapos magbenta ng ice candy nang bigla silang hinuli ng mga pulis. Itinanggi ng mga suspek na sangkot sila sa pagtutulak ng iligal na droga.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa P40,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...