11.8 degrees Celsius naitala sa Baguio City ngayong umaga

Malamig na temperatura muli ang naranasan sa Baguio City ngayong umaga ng Miyukules, Feb. 27.

Ayon sa PAGASA – Baguio, 11.8 degrees ang minimum na temperatura na naitala sa lungsod alas 5:00 ng umaga.

Mas malamig ito kumpara sa 12.5 degrees Celsius na naitala kahapon araw ng Martes.

Noong Lunes naman, Feb. 25, malamig na 11 degrees Celsius ang naitalang minimum na temperatura sa Baguio City.

Read more...