13 arestado sa sinalakay na drug den sa Taguig

Arestado ang labingtatlong katao matapos salakayin ng mga otoridad ang isang hinihinalang drug den sa Barangay South Signal sa Taguig City.

Pinasok ng mga tauhan ng drug enforcement unit ng Taguig City police ang isang bahay matapos ang ikinasang buy-bust operation sa suspek na si alyas Boy.

Maliban kay Boy, naaresto din ang kaniyang live-in partner at ang 11 katao na naaktuhan sa bahay na gumagamit ng shabu.

Sinabi ni Sr. Supt. Alexander Santos, hepe ng Taguig City police, matagal nang binabantayan ang mga kilos ni Boy dahil nasa drugs watchlist ito ng pulisya.

Sa bahay aniya ni Boy ginagawa ang pot session, sa halagang P150 kada tao.

Hindi naman na itinanggi ni Boy na sangkot siya sa illegal na droga. Aniya, nais na niyang huminto noon pa pero nagtatampo aniya ang kaniyang mga parokyano kapag hindi niya pinagagamit ng shabu ang mga ito.

Read more...