Ilang lansangan sa San Juan City sarado dahil sa campaign rally ng Hugpong ng Pagbabago

Simula alas 5:00 ng umaga ngayong araw ng Miyerkules, Feb. 27 isinara na ang ilang lansangan sa San Juan City.

Ito ay bilang paghahanda sa campaign rally ng mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago ngayong araw.

Sa abiso ng Traffic and Parking Management Office ng San Juan, sarado ang Pinaglabanan Street mula sa kanto ng Jose Gil Street hanggang sa kanto ng N. Domingo Street.

Sarado rin ang mga kalye ng Ejercito, P. Narcisco, Msgr. Alvarez, Pancho Villa, Atty. Mendoza, at Paraiso na pawang nasa palibot ng Pinaglabanan.

Sa abiso sa mga motorista, ang mga malalaking sasakyan gaya ng bus at truck na galing ortigas ay pinapayuhang dumaan na lang sa Gilmore, kaliwa ng Aurora Blvd. patungo sa destinasyon.

Ang mga bus na galing Ortigas at patungong Maynila ay maaring dumaan sa Santolan Road, kanan sa M. Paterno., kaliwa sa N. Domingo at kanan sa Araneta Avenue.

Ang mga light vehicles naman ay maaring dumaan sa Santolan Road patungong Pinaglabanan, kaliwa sa Gil St., kanan sa F. Blumentritt, kaliwa sa N. Domingo at kanan sa Araneta Ave.

Kung galing naman ng Maynila at patungong Ortigas, ang mga motorista ay pinadadaan sa N. Domingo, kanan sa Paterno, kaliwa sa Santolan Road at kanan sa Ortigas Ave.

Ang mga pampasaherong jeep naman na biyaheng San Juan-Crame ay pinadadaan sa A. Luna, kaliwa sa N. Domingo, kanan sa M. Paterno, kaliwa sa Santolan Road at diretso sa Bonny Serrano Avenue.

Kung galing ng Bonny Serrano ay didiretso sila ng Santolan Road patungong Pinaglabanan, kaliwa sa Jose Gil, kanan sa L.K. Santos, kaliwa sa N. Domingo, kanan sa F. Roman, kaliwa sa R. Lagmay, at kaliwa sa A. Luna.

Ang mga jeep na biyaheng San Juan-Rosario Taytay naman, galing Lake St., kakaliwa sa N. Domingo, kanan sa M. Paterno, kaliwa sa Santolan Road at kanan sa Ortigas.

Kung galing Ortigas, sila ay kakaliwa sa Santolan Road, diretso sa Pinaglabanan, kaliwa sa Jose Gil, kanan sa L.K Santos, kaliwa sa N. Domingo, kanan sa F. Roman, kanan sa R. Lagmay, at kanan sa A. Lake Street.

Read more...